Sa darating na Oktubre, inaasahan na dadating sa Pilipinas ang 108-year old Norwegian tall ship.
Ito ang ibinahagi ni Norwegian Ambassador to the Philippines Bjorn Jahnsen sa pakikipagkita niya kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ayon kay Jahnsen, ito ay bahagi ng paglalayag ng antigong sasakyang pandagat sa buong mundo.
Paliwanag pa ng opisyal, layon ng expedition na mapaigting sa kamalayan ng lahat ang climate change, sustainability of the oceans at ang pagkalalat ng plastic sa mga karagatan.
“The important event of this vessel coming to Manila, we are organizing a conference of maritime and energy issues and I have invited the president-elect to come and speak at the conference about renewable energy in the Philippines,” ani Jahnsen.
Narito pa ang bahagi ng pahayag ni Jahnsen:
WATCH: Mga natalakay nina President-elect Ferdinand @bongbongmarcos at Norwegian Ambassador to the Philippines Bjorn Jahnsen | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Linehttps://t.co/E8JHhyO4do
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 15, 2022
Kabilang din sa napag-usapan nina Marcos at Jahnsen ang renewable energy, tulad ng offshore win, floating solar at hydro power.
“This is a great opportunity for the Philippines for a plenty supply of energy. As you know, the country is growing in economy and energy consumption is increasing so offshore wind is really one of your best bets for the future,” dagdag pa ni Jahnsen.
WATCH: Napag-usapan din nina President-elect Ferdinand @bongbongmarcos at Norwegian Ambassador to the Philippines Bjorn Jahnsen ang renewable energy, tulad ng offshore win, floating solar at hydro power. | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/pOmstOf2uu
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 15, 2022