Ngayon malapit nang makumpleto ang pamamahagi ng fuel subsidy sa sektor ng pampublikong-transportasyon, sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng ‘second tranche’ ng ayuda.
Hanggang kahapon, 31,992 na lamang sa 264,578 benepisaryo ang hindi pa nakakatanggap ng ayuda na P6,500.
Inaasahan na matatapos ang distribusyon sa public utility vehicle operators at drivers sa darating na Biyernes, Hunyo 17.
Sa hanay naman ng delivery riders sa ilalim ng Department of Trade and Industry, sinabi ni LTFRB Executive Dir. Tina Cassion, 22,517 sa 27,777 ang nabigyan na ng ayuda.
Sinabi nito, nagkaroon ng problema sa detalye ng mga riders sa kanilang GCash o Paymaya.
Naipamahagi ang fuel subsidy sa pamamagitan ng Land Bank.