Interior Sec. Año binalaan si Cebu Gov. Garcia sa ‘mask policy’

PDI FILE PHOTO

Maaring maharap sa Anti-Graft and Corrupt Practices si Cebu Governor Gwendolyn Garcia kaugnay sa paninindigan nito sa kanyang kautusan ukol sa paggamit ng mask sa lalawigan.

Ito ang paniniwala ni Interior Sec. Eduardo Año kapag nagdulot pa ng kalituhan at may mga mapahamak dahil sa pagpupumilit ni Garcia sa inisyu niyang Executive Order No. 16.

Sa kautusan ni Garcia sinabi nito na hindi na mandatory kundi optional na lamang ang pagsuot ng mask sa mga ‘open and well-ventilated spaces’ sa kanilang lalawigan.

“Kung patuloy nila yang gawin at magkakaroon na talaga tayo ng injury at damage and confusion, e talagang hindi naman pwede na ating national government ay pabayaan lang mangyari ang ganyan,” diin ni Año.

Ang Malakanyang sinabi na mangingibabaw ang kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mandatory pa rin ang pagsusuot ng mask sa mga pampublikong lugar.

Read more...