May koordinasyon na ang pambansang pulisya sa Bureau of Immigration (BI) para hindi makalabas ng bansa ang sports utility driver (SUV) na sumagasa sa mall security guard.
Sinabi ni PNP director for operations, Maj. Gen. Valeriano de Leon, ito ay para matiyak na mahaharap ni Jose Antonio San Vicente ang mga kasong isinampa laban sa kanya.
Ayon kay de Leon hinintay na lamang nila ang pagpapalabas ng Mandaluyong City court ng warrant of arrest upang agad maisilbi kay San Vicente.
Dagdag pa ng opisyal hiniling na nila sa kawanihan na agad ipagbigay-alam sa pulisya o pigilan si San Vicente kung magtatangka itong lumabas ng Pilipinas.
“We are also preparing for the possible service of the warrant of arrest, including the creation of a team to serve the court order and, if necessary, tracker teams,” sabi pa ni de Leon.
Umaasa na lamang din ito na makakapagpalabas na ang korte ng warrant of arrest para sa suspek.