OCTA: Single-day positivity rate ng COVID-19 sa NCR, tumaas sa apat na porsyento

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Umabot na sa apat na porsyento ang single-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR), ayon sa OCTA Research.

“New Covid-19 cases have accelerated with a reproduction number of 1.59 and numbers are likely to exceed initial forecasts,” ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David.

Inaasahan aniyang makakapagtala ng 250 na bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa araw ng Miyerkules, Hunyo 15.

Ayon pa kay David, maaring umabot sa 450 hanggang 500 na bagong kaso ng nakahahawang sakit ang napaulat sa buong bansa sa Miyerkules.

Base sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 257 na bagong kaso ng COVID-19 ang napaulat sa Pilipinas sa araw ng Martes, Hunyo 14.

Dahil dito, nasa 3,130 ang aktibong kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.

Read more...