Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapahintulot niya sa operasyon ng e-sabong sa bansa.
Sa kabila ito ng pagkawala ng 34 sabungero.
“Kaya ‘yung e-sabong, I’m sorry, I did not really realize that it would be like… Akala ko kasi ‘yung ano — the moving factor there was… Naimbiyerna kasi ako 640 million a month tapos so many billions a year because our — maraming nag-o-operate eh,” saad ng pangulo sa kaniyang talumpati matapos mag-inspeksyon sa National Academy of Sports sa Capas, Tarlac.
Dagdag nito, “But I realized very late and I am very sorry that it had to happen.”
Hindi aniya niya akalain na ganoon ang mangyayari dahil hindi naman aniya siya nagsusugal.
“I do not gamble, I do not drink anymore, only water,” ani Duterte.
Matatandaang nagdesisyon ang Punong Ehekutibo na ihinto ang operasyon ng e-sabong noong Mayo.