Walang inaasahang LPA o bagyo na papasok sa bansa sa mga susunod na araw – PAGASA

DOST PAGASA satellite image

Umiiral ang Easterlies o hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Obet Badrina, nagdadala ang naturang weather system ng maulap na kalangitan sa Eastern Visayas at ilang bahagi ng Eastern Mindanao.

Asahan naman aniya ang maaliwalas na panahon sa Metro Manila, at nalalabing parte ng bansa.

Samantala, walang low pressure area (LPA) o bagyo na inaasahang mabubuo o papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa mga susunod na araw.

Read more...