Ito ay ayon sa Globe na sinabing may mga ‘tools’ sa personal device na maaring gamitin bilang proteksyon tulad ng built-in SMS spam filters o blockers.
“Habang ang aming cybersecurity team ay patuloy na nagpapatupad ng mga anti-spam at anti-scam initiatives sa network, ang mga customers ay maaari ring gumamit ng tools sa kanilang mga device para protektahan ang kanilang sarili,” sabi ni Anton Bonifacio, Globe Chief Information Security Officer.
Ang mga Android phone users ay maaaring mag-activate ng spam filters sa pamamagitan ng pagsunod sa mga simpleng hakbang na ito:
1. I-download ang “Messages” app ng Google
2. I-set ito bilang default Android SMS messenger
3. Pumunta sa settings at i-enable ang Spam Protection.
Kung makatatanggap pa rin ng spam messages, puwedeng mag-report ang mga customer sa Globe web page o maari din dumiretso sa National Telecommunications Commission.
Paalala lang din ni Bonifacio ang publiko na huwag magbukas o mag-click ng link mula sa sa mga hindi kilalang numero o mag-reply at magbigay ng personal na impormasyon.
Ibinahagi ng Globe na nakapag-blocked na sila 1.15 bilyong scam at spam messages, 7,000 mobile numbers na naka-link sa mga scammer, at 2,000 na hindi opisyal na social media accounts at phishing sites noong nakaraang taon.
Sa unang tatlong taon ngayon taon, ang Globe ay nakapag-block na ng 203 phishing sites kasama na ang 112 sites na mistulang lehitimong website ng bangko at 91 GCash phishing sites.