Ito ay dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa ngayon, nasa ‘low risk’ classification o ‘green alert’ ang Metro Manila.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni David na maaring pumalo sa 400 hanggang 500 na kaso ng COVID-19 ang maitatala kada araw sa mga susunod na linggo.
“So, nasa projections din iyan. So, kumbaga, iyong current situation natin [ay] hindi pa naman siya nangangahulugan na magtataas tayo ng alert level pero this is a possibility within the next few weeks. Of course, decision iyan ng Department of Health at ng Inter-Agency Task Force,” pahayag ni David.
Payo ni David, maiiwasan ang pagtaas ng alert level kung babawasan ang kapasidad sa mga pampublikong sasakyan at ng indoor establishments.