Sec. Lorenzana, nagpasalamat kay Mayor-elect Lacuna

Photo credit: DND Sec. Delfin Lorenzana/Facebook

Nagparating ng pasasalamat si Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Manila Mayor-elect Honey Lacuna.

Ito ay matapos siyang mailigtas ni Lacuna nang biglang mahilo at matumba sa idinaos na selebrasyon ng ika-124 Araw ng Kalayaan sa Rizal Park noong araw ng Linggo, Hunyo 12.

“Do you believe in miracles? I do. Last Sunday, Mayor-elect Dra. Honey Lacuna of Manila saved me from a possible life-altering injury when I fainted due to the heat and exhaustion,” pahayag ng kalihim sa kaniyang Facebook account.

Dagdag pa nito, “Thank you again, Mayor Honey, for being at the right place, at the right time!”

Sa ngayon, nasa maayos na kondisyon na si Lorenzana.

Read more...