Cavaliers wagi sa game 5 ng NBA eastern conference finals

Twitter Photo/NBA TV
Twitter Photo/NBA TV

Isang panalo na lang ang kailangan ng Cleveland Cavaliers para makarating sa championship sa NBA.

Ito ay matapos talunin kanina ng Cavs ang Toronto Raptors sa game 5 ng NBA eastern conference sa score na 116-78.

Nakapagtala ng 25 points si Kevin Love, at tig-23 points naman sina Kevin Love at Lebron James para sa Cavs.

Habang mababa naman ang naitalang score nina Demar DeRozan at Kyle Rowly ng Raptors na nakapagbigay lamang ng 15 at 14 points.

Sa Biyernes ng gabi, Sabado ng umaga dito sa Pilipinas, gaganapin ang game 6 sa home court ng Toronto Raptors.

 

Read more...