LPA namataan ng PAGASA malapit sa Baguio City

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ngayon ng PAGASA sa labas ng bansa.

Sa 11AM advisory ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa 710 kilometers West ng Baguio City.

Ayon sa PAGASA, wala pa namang epekto saanmang panig ng bansa ang nasabing LPA.

Ang makulimlim na panahon na nararanasan ngayon ay dahil sa umiiral na Southwest Monsoon o Habagat.

Partikular na apektado ng Habagat ang Metro Manila, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga peninsula at mga lalawigan ng Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite at Batangas.

Ang mga residente sa nabanggit na mga lugar ay pinag-iingat sa posibleng pagbaha at landslides.

Mamayang alas 5:00 ng hapon, magbibigay ng update ang PAGASA nasabing LPA at sa epekto ng Habagat.

 

Read more...