LTFRB: May libreng sakay na sa Quezon Avenue – Montalban route

Sinimulan na ang libreng sakay sa rutang Quezon Avenue – Montalban (Route 7) sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3 sa araw ng Lunes, Hunyo 17.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), tumakbo ang unang biyahe bandang 5:00 ng madaling-araw at matatapos bandang 8:00 ng gabi.

Sinabi ng ahensya na layon ng naturang programa na matulungan ang mga operator at driver na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic at patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Sa pamamagitan nito, babayaran ng gobyerno ang mga kalahok base sa bilang ng kanilang naitakbong biyahe kada linggo.

Tuluy-tuloy din ang libreng sakay sa EDSA Busway Carousel tuwing 4:00 ng madaling-araw hanggang 11:00 ng gabi.

Read more...