106 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Bulusan

Patuloy na tinututukan ng Phivolcs ang aktibidad ng Bulkang Bulusan.

Base sa update ng Phivolcs sa araw ng Lunes, Hunyo 13, nakapagtala ng 106 volcanic eartquakes sa nasabing bulkan.

Kabilang dito ang 48 na volcanic tremor na may 20 minuto ang haba.

Nakapagtala rin ng 4,627 tonelada ng sulfur dioxide kada araw noong Hunyo 12.

Malakas ang lumabas na plume sa Bulkang Bulusan na may taas na 500 metro. Napadpad ito sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran.

Ayon sa Phivolcs, may pamamaga sa naturang bulkan.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan.

Bilang pag-iingat, ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong radius ng Permanent Danger Zone (PDZ) at pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-kilometer Extended Danger Zone (EDZ) sa Timog-Silangan.

Bawal din ang paglipad ng anumang aircraft sa tuktok ng naturang bulkan.

Sinabi ng Phivolcs na maari pa ring magkaroon ng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions.

Read more...