Mt. Bulusan naulit ang ‘phreatic eruption’

PHIILIPPINE COAST GUARD PHOTO

Kasabay ng mahimbing na pagtulog ng karamihan, muling nagpakawala ng matinding usok ang Mt. Bulusan.

 

Sa inilabas na paunang impormasyon ng Phivolcs nangyari ang ‘phreatic eruption’ alas-3:37 kaninang madaling araw.

 

Tumagal ang pagbubuga ng usok ng Mt. Bulusan ng 18 minuto.

 

Noong nakaraang Biyernes, may babala na mauulit ang ‘phreatic eruption’ anumang oras matapos ang unang insidente eksaktong isang linggo ang nakakalipas.

 

May 105 pamilya na binubuo ng 340 indibiduwal mula sa Barangay Putting Sapa sa bayan ng Juban ang kinailangan ilikas sa Juban Evacuation Center and Gymnasium.

 

Simula noon ay nasa Alert Level 1 na ang naturang bulkan sa lalawigan ng Sorsogon.

Read more...