Bahagyang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 1.6 percent increase ang positivity rate sa mga nakalipas na linggo.
Pero paglilinaw ni Vergeire, hindi naman nakaaalarma ang pagtaas ng kaso.
Nasa low risk pa rin naman aniya ang Metro Manila.
Sinabi pa ni Vergeire na hindi rin tumataas ang kaso ng severe at critical patients sa mga ospital.
Sinabi pa ni Vergeiere na ang mga bagong subvariant ng Omicron ng COVID-19 ang dahilan ng bahagyang pagtaas ng mga nagpo-positibo sa naturang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES