Oil price increase ipatutupad sa susunod na linggo

 

Panibagong oil price increase ang ipatutupad sa susunod na linggo.

Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis, tataas ng P1.50 hangggang P1.75 ang presyo ng gasolina kada litro.

Tataas naman ng P4.25 hanggang P4.50 ang presyo ng diesel kada litro habang nasa P4.75 hanggang P5.00 ang itataas saa presyo ng kerosene kada litro.

Matatandaan na noong June 7 lamang, nagpatupad din ng oil price increase ang mga kompanya ng langis.

Pumalo sa P2.70 ang itanaas sa presyo ng kada litro ng gasolina habang nasa P6.55 ang itinaas saa presyo ng diesel.

 

Read more...