Justin Bieber naparalisa ang mukha

Tinamaan ng sakit na Ramsay Hunt Syndrome ang sikat na singer na su Justin Bieber.

Base sa Instagram post ni Bieber, nakararanas siya ngayon ng partial facial paralysis.

Dahil dito, sinabi ni Bieber na maantala muna ang Justice World Tour na una sanang sasalang sa Toronto.

Sinabi pa ni Bieber na ang hindi kumukurap ang isang mata at hindi rin gumagalaw ang kalahating mukha.

Sa ngayon, pahinga muna si Bieber at nagpapagaling.

Apela ni Bieber, ipagdasal siya para agad na gumaling at maipagpatuloy ang world tour.

Read more...