149 volcanic earthquake naitala sa Bulkang Bulusan

Photo credit: Sorsogon PIO

Aabot sa 149 volcanic earthquake ang naitala sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, sa naturang bilang, siyam lamang ang malakas na volcanic tremors.

Aabot sa 824 tonelada kada araw ang ibinubuga na volcanic sulphur dioxide ng bulkan.

Ayon sa Phivolcs, nasa 100 metro ang taas ng plumes ng bulkan.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na mag-ingat dahil nanatili pa sa Alert Level 1 ang bulkan.

 

 

Read more...