Peace talks sa CPP tapos na ayon kay incoming NSA Clarita Carlos

Tapos na ang peace talks sa Communist Party of the Philippines.

Pahayag ito ni incoming National Security Adviser Clarita Carlos sa ilalim ng administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pero paglilinaw ni Carlos, hindi naman kailangan na i-exclude o hindi isama ang rebeldeng grupo bagkus dapat na yakapin at isama tungo sa pagbabago.

Tama na aniya ang pakikipag-negosasyon sa rebeldeng grupo.

Pero ayon kay Carlos, kahit na hindi na itutulak ang peace negotiation, hindi dapat na buwagin ang peace councils.

Pagsasayang lang kasi aniya ng laway ang peace negotiations na ilang dekada nang isinusulong subalit wala namang nangyayari.

Sinabi pa ni Carlos na dapat nang itigil ang red-tagging sa mga personalidad na may kaugnayan sa rebeldeng grupo.

 

Read more...