Ibinahagi ni Senator Koko Pimentel ang kasunduan nila ni Senator Risa Hontiveros kung tanging sila lamang ang magiging minoriya sa Senado sa 19th Congress.
Sa isang panayam, sinabi ni Pimentel na nagkasundo na sila ni Hontiveros na isusulong at iboboto siya nito para sa naturang posisyon.
Ayon naman kay Hontiveros karangalan niya na i-nominate si Pimentel, gayundin kung siya ang magsisilbing minority leader.
Sinabi pa nito na sa ngayon ay nagtutulungan sila ng kapwa senador sa pagbuo ng minority group.
Una nang sinabi ni Hontiveros na may mga kapwa senador pa sila na kinakausap para sumama sa kanila sa minoriya.
MOST READ
LATEST STORIES