Sa halos limang buwan na pagpapatupad ng election gun ban, umabot sa 3,651 ang nahuli, ayon sa pambansang pulisya.
Nagsimula ang gun ban noong Enero 9 at nagtapos kahapon, Hunyo 8.
Base sa datos ng PNP, 3,513 sa mga nahuli ay mga sibilyan, 61 naman ang guwardiya, samantalang 28 ang pulis at sundalo.
Nabatid na ang lahat ng mga naaresto ay sinampahan ng kasong paglabag sa gun ban at may ilan na nakasuhan ng illegal possession of firearms matapos mapatunayan na hindi lisensiya ang nakumpiska sa kanilang baril.
Pinakamarami sa mga naaresto sa Metro Manila (1,335), sinundan ng Calabarzon (398), Central Visayas (372), Central Luzon (320) at Western Visayas (219.)
Kabuuang 2,812 ibat-ibang uri ng baril ang nakumpiska, bukod pa sa 1,306 na matatalas na bagay at 17,401 bala.