Ayon kay Coast Guard spokesperson Commander Armand Balilo, humingi ng tulong ang barko ng BFAR na minamandohan ng Coast Guard na MCS 3010 dahil may hinahabol umano ito barkong pangisda na may watawat ng Pilipinas sa bahagi ng Camiguin, Batanes.
Gayunman, lumalabas na habang hinahabol ng coast guard at BFAR ang nasabing sasakyang pandagat ay hinahabol naman ang barko ng Pilipinas ng back up nitong barko.
Matapos ang ilang iras na habulan sa dagat napahinto ang barko na may markang Subic at dito nabatid na sampung mangingisdang Tsino pala ang sakay nito.
Dinala na sa Port Irene sa Cagayan ang nasabing mga mangingisda upang maimbestigahan.
Nito lamang isang linggo dalawampu’t limang mga Chinese poachers ang naaresto din ng Coast Guard at BFAR sa Sulu at Batanes na nagtataglay din ng watawat ng Pilipinas.
Naghinala ang mga otoridad, dahil baligtad ang pagkakalagay ng watawat ng Pilipinas sa ginamit na barko.