Pulis na naaresto sa drug raid sa Maynila, isasailalim sa lifestyle check

NBI - NCR Photo
NBI – NCR Photo

Posibleng isailalim ng Philippine National Police (PNP) sa lifestyle check ang pulis na naaresto sa isinagawang drug raid sa Maynila kahapon ng umaga.

Ayon kay PNP spokesman Police Chief Supt. Wilben Mayor, sa sweldo ng isang PO2 na P23,000 kada buwan, mahirap paniwalaan kung paano nakabili ng malaki at magandang bahay at dalawang magagarang kotse si PO2 Jolly Aliangan.

NBI – NCR Photo

Bagaman, hindi iniaalis ng PNP ang posibilidad na may iba pang legal na pinagkakakitaan ang nasabing pulis, sa pamamagitan ng lifestyle check ay pagpapaliwanagin si Aliangan kung paano niya nakuha ang kanyang mga ari-arian ngayon.

NBI – NCR Photo

Sisilipin din ng pulisya ang kanyang SALN o statement of assets liabilities and net worth, para matukoy kung ano anong mga negosyo o iba pang pinagkakakitaan na idineklara nito.

Sa ngayon ay otomatikong relieve sa pwesto si Aliangan at posible rin itong masibak sa serbisyo kapag napatunayan ang pagkakasangkot nito sa operasyon ng ilegal na droga.

Nakatalaga sa Anti-Illegal Drugs office ng NCRPO si Aliangan.

NBI – NCR Photo

Sa isinagawang raid ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bahay ni Aliangan kahapon, nakuha dito ang P7 million na nasa loob ng isang vault.

Kapansin-pansin ding maganda ang bahay nito, may mamahaling mga gamit at may dalawang bagong sasakyan na Toyota Altis at Fortuner.

NBI – NCR Photo

Ang isang Police Officer 2 gaya ni Aliangan ay sumusweldo ng P23,000 kada buwan.

Ayon kay NBI-NCR deputy chief Rommel Vallejo tatlong buwan na nilang minamanmanan ang three-story house ni Aliangan.

May mga nasabat ding matataasna kalibre ng baril at mga shabu sa bahay at sasakyan ng pulis.

 

 

 

 

 

Read more...