Higit 11,000 MILF, MNLF members gustong maging pulis

Kumuha ng special qualifying exams ng National Police Commission (Napolcom) ang higit 11,000 miyembro ng Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito ay bahagi ng pakikipagkasundo ng gobyerno sa dalawang Moro rebel groups.

Ayon sa Napolcom, sa 11,075 na nag-apply, 11,033 ang kumuha ng SQEE.

Ilalabas ang resulta ng eksaminasyon sa susunod na 45 – 60 araw.

Nilinaw naman ng ahensiya, na ang pagpasa sa SQEE ay hindi nangangahulugan ng awtomatikong pagpasok sa PNP, bagamat ito ang unang hakbang para mabigyan ng ranggong patrolman bilang temporary appointment.

 

Read more...