Kinumpirma ito ni incoming Executive Sec. Vic Rodriguez, bagamat wala na itong ibinigay na karagdagan pang detalye.
Bahagi ang pulong nng 10-araw na pagbisita ni Sherman sa ibat-ibang bansa sa Asya, kasama na sa South Korea, Vietnam at Laos.
Una nang inanunsiyo ng US Department of State ang pulong at makakasama ni Marcos Jr., ang ilan sa mga uupong opisyal ng bagong administrasyon.
Inaasahan na mapapag-usapan sa pulong ang pagpapatibay pa ng relasyong Pilipinas – Amerika.
MOST READ
LATEST STORIES