Pagsusumite ng SOCE, hindi pinalawig ng Comelec

Hindi na pinalawig pa ng Commission on Elections (Comelec) ang deadline ng pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) para sa mga kumandidato sa katatapos na eleksyon noong Mayo 9.

Batay ito sa nakasaad sa Comelec Resolution 9991, na inamyendahan ng Resolution 10505, pinal at hindi na pwedeng i-extend ang deadline na ito.

Pero exempted dito ang mga nanalong kandidato at partylist groups.

Ayon sa Comelec, ang mga kandidatong nanalo sa halalan pero bigong magsumite ng SOCE ay hindi pwedeng umupo sa pwesto.

May hanggang anim na buwan sila mula ng maiproklama para makapag-file ng SOCE.

Pero sa panahong iyon, mananatiling bakante pansamantala ang kanilang posisyon at kung lalagpas sa anim na buwan, idedeklarang permanente ang vacancy.

Read more...