VP-elect Sara Duterte, naghain na ng SOCE

Photo credit: VP-elect Sara Duterte/Facebook SOCE

Naghain na ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Commission on Elections (Comelec) si incoming Vice President Sara Duterte-Carpio.

Ayon sa SOCE ni Duterte, gumastos siya ng mahigit P216 milyon.

Gaya ng kanyang ka-tandem na si incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. wala ring ginastos si Duterte na pera na galing sa sariling bulsa.

Galing ang pondo sa mga donasyon at political party na LAKAS-CMD na kinabibilangan ni Duterte.

Read more...