Isasara ang Bonifacio Monument Circle sa Caloocan simula 12:00, Linggo ng madaling-araw (Hunyo 12).
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), layon nitong bigyang-daan ang mga gagawing aktibidad para sa selebrasyon ng ika-124 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas.
Maliban dito, isasara rin ang ilang bahagi ng McArthur Highway, Samson Road, Rizal Avenue, at EDSA.
Pinayuhan naman ang mga maaapektuhang motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Narito ang mga alternatibong ruta:
A. Sa mga sasakyang magmumula sa Sangandaan Samson Road patungong EDSA at Manila, maaring dumaan sa Heroes Del 96 St., kumaliwa sa 10th Ave. papunta sa destinasyon.
B. Sa mga sasakyang magmumula sa Rizal Avenue hanggang McArthur, kumaliwa sa 10th Ave., kanan sa Heroes Del 96 St., kanan sa Samson Road kaliwa sa Dagohoy, kaliwa sa Caimito Road, at saka kumanan sa Langka St. patungo sa destinasyon.
C. Mula naman sa EDSA, maaring dumaan sa 10th Ave. kumaliwa sa B. Serrano hanggang EDSA.
D. Sa mga magmumula sa EDSA patungong Samson Road, kumanan sa McArthur saka kumaliwa sa Gen. Pascual patungo sa destinasyon.
E. Mula naman sa McArthur patungong Rizal Avenue at Samson Road, dumaan muna sa Gen. Pascual papunta sa destinasyon.
F. Sa mga sasakyang pupunta sa EDSA, dumaan sa zipper lane ng Northbound, kumaliwa sa 8th Street at saka kumaliwa patungo sa destinasyon.
Ayon sa MMDA, aalisin ang ipinatutupad na road closure pagkatapos ang mga aktibidad.