Naitalang kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 536.69 milyon na

Reuters photo

Pumalo na sa 536.69 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 536,693,793 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 86,782,404 cases.

Sumunod na rito ang India na may 43,190,282 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 31,266,163 naman ang kaso sa Brazil habang 29,659,417 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 26,610,333
– United Kingdom – 22,349,183
– Russia – 18,358,459
– South Korea – 18,188,200
– Italy –  17,543,136
– Turkey – 15,072,747
– Spain – 12,436,538

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,323,626 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 507,851,048 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...