Ilang residente, nakauwi na sa Sorsogon

PCG photo

Nakauwi na sa kani-kanilang tahanan ang ilang residenteng naapektuhan ng phreatic eruption ng Bulkang Bulusan.

Panandaliang nanatili ang mga residente sa Tughang Evacuation Center sa Juban, Sorsogon.

Miyerkules ng umaga, Hunyo 8, tulong-tulong ang mga awtoridad sa pag-alalay sa mga residente upang matiyak ang maayos at ligtas na pag-uwi sa kani-kanilang tahanan.

Sanib-pwersa sa operasyon ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Army (PA) at Philippine National Police (PNP).

PCG photo
Read more...