Philippine Air Force handa na sa 124th Independence Day celebration sa Luneta Park

CHONA YU / RADYO INQUIRER ONLINE PHOTO

Handang-handa na ang Philippine Air Force (PAF) sa magiging bahagi ng hukbo sa gaganaping paggunita ng ika-124 Araw ng Kalayaan sa Luneta Park sa darating na araw ng Linggo, Hunyo 12.

Ayon kay Air Mission commander, Lt. Col. Gene Paul Santos, may gagawin silang opener pass tampok ang kanilang mga makabagong sasakyang panghimpapawid.

Kabilang na ang SF-260, T-41D, Blackhawk, AW-109 Agusta at T-129 ATAK helicopters.

Ibinahagi ni Santos na ngayon lamang nabili ng pamahalaan ang mga naturang sasakyang panghimpapawid.

Ito na rin ang unang pagkakataon na matutunghayan ang ‘fly-by’ bunsod na rin ng kasalukuyang pandemya.

Inaasahan na dadalo sa pagdiriwang si Pangulong Duterte.

Read more...