Nasa halos P16 milyon na ang halaga ng pinsala na idinulot sa sektor ng agrikultura ng pag-aalburuto ng bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Base sa ulat ng Department of Agriculture (DA), 329 ektarya ng palayan at taniman ng mga gulay ang naapektuhan ng pagbuga ng abo ng naturang bulkan.
Ang mga naapektuhan taniman ay sa mga bayan ng Juban, Casiguran, Irosin at Bulusan.
Inanunsiyo ng kagawaran na bibigyang ayuda ang mga apektado sa pamamagitan ng mga ibibigay na binhi, gamot para sa mga livestock at poultry animals.
Gayundin sa pamamagitan ng Survival and Recovery Program ng Agricultural Credit Policy Council, pagbibigay ng ayuda mula sa Philippine Crop Insurance Corp at pagpapalabas ng pondo mula sa Quick Response Fund para sa rehabilitasyon ng mga naapektuhang lugar.
Pinayuhan ang mga apektadong magsasaka na makipag-ugnayan sa tanggapan ng DA sa Sorsogon.