Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang Bureau of Internal Revenue ang mga tiwali nilang opisyal at tauhan na nambibiktima sa mga malalaking korporasyon maging sa mga maliliit na negosyo.
“Marami sa ating mga malilit na negosyante ay kinikikilan ng ilang hindi matitinong kawani ng gobyerno. Hindi ko nilalahat pero alam naman natin na meron tayong mga BIR officials na nangha-harass o itinataas yung tax assessment para makahingi sila ng pera kapag nakiusap na babaan ang tax assessment. Ito muna ang unagin, yung sugpuin iyong ganitong korapsyon,” ani Gatchalian.
Mas makakabuti aniya nag awing maayos ang paniningil ng mga buwis ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno sa halip na magpatupad ng mga bagong buwis.
Ito aniya ay para na rin matugunan ang P12.63 trilyong utang ng gobyerno hanggang noong buwan ng Abril.
Pinuna ni Gatchaluan ang mga diumanoy kaso ng pangongotong ng mga tauhan ng BIR sa Ilocos Sur, Dipolog City at Zamboanga City, gayundin ang ‘pabaon scheme’ sa mga papaalis na opisyal ng kawanihan.
“Bago natin pag-usapn na taasan ang buwis o taasan ang mga singilin, dapat sugpuin muna natin ang korapsyon dahil ang makikinabang lang dyan ay yung mga corrupt officials na tinataas naman ang mga pekeng assessments nila,” diin pa ng senador.