Sako-sako ng abo ng Mt. Bulusan nakolekta ng PCG

PCG PHOTO

Umaabot na sa 28 sako ng abo na ibinuga ng Mt. Bulusan ang nakolekta ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard – Sorsogon.

Sinabi ni Coast Guard spokesman, Commodore Armand Balilo, bunga ito ng isinagawa nilang road clearing operations sa Sitio Caladio, Barangay Buraburan sa bayan ng Juban.

Bukod aniya sa paglilinis ng mga lansangan, umaalalay din ang Coast Guard personnel sa paglilikas ng mga apektadong residente.

Samantala, base sa inilabas na update ng Phivolcs kaugnay sitwasyon ng bulking Bulusan, sa nakalipas na 24 oras ay nakapagtala ng 11 volcanic earthquakes.

Nasukat din na 1421 tonelada kada araw ang ibinubugang sulfur dioxide ng bulkan at ang ibinubugang usok nito ay nasukat na umaabot sa taas na 200 metro at napapadpad sa Hilagang-Kanluran.

Read more...