Sen. Sonny Angara tiwala sa suporta ng Kongreso sa ‘stimulus plan’ ng Marcos Jr – administration

Sigurado si Senator Sonny Angara na may plano na ang papasok na administrasyong-Marcos Jr., para mapaibsan ang epekto ng mataas na inflation rate sa bansa.

Aniya isa sa inaasahan niyang ilalatag ng bagong administrasyon ay isang ‘economic stimulus plan’ at masusing pag-aaral sa hihingiin na pambansang pondo sa susunod na taon.

“Any planned stimulus must take into account the higher inflation which is a worldwide phenomenon,” sabi pa ni Angara.

Isa sa mga naiisip niyang magagawa ay ang pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na pamilya, gayundin sa mga lubhang apektadong sektor ng lipunan.

“Similar assistance was contained in the 2022 budget with help from both houses of Congress in the budgets of agriculture, transport, social welfare among others,” dagdag pa ng namumuno sa Senate Committee on Finance.

Pagtitiyak pa ni Angara na susuportahan ng 19th Congress ang mga plano ng bagong administrasyon base na rin sa makasaysayang panalo ng Marcos – Duterte Uniteam.

Read more...