Ai Ai delas Alas, Darryl Yap idineklarang ‘persona non grata’ sa QC

Sobrang nabastusan ang pamahalaang-lungsod ng Quezon sa komedyanteng si Ai Ai delas Alas at sa cinematographer na si Darryl Yap sa ginawa ng dalawa sa official seal ng lungsod.

Bunga nito, idineklara ng pamahalaang-lungsod na ‘persona non grata’ ang dalawa.

Sa video post sa social media ni Yap, napanood si dela Alas sa karakter na ‘Ligaya Delmonte’ na maituturing na pagtukoy kay Mayor Joy Belmonte.

Sa dalawang minuto at 21 segundo na video, napanood na pinalitan ang official seal ng lungsod ng BBM at Duterte, na kapwa sinuportahan ng dalawa sa nakalipas na eleksyon.

Naghain ng resolusyon si District IV Coun. Ivy Lagman sa Sangguniang Panglungsod para kondenahin ang pambabastos ng dalawang personalidad at agad itong inaprubahan ng konseho.

“The malicious and unscrupulous defacing of the official seal of Quezon City ridiculed and casted dishonor to it, causing insult to the noble representation of the seal,” banggit ni Lagman.

Naniniwala din ang opisyal na hindi papayag ang mamamayan ng lungsod na babuyin ang official seal para sa personal at mapagimbot na interes.

 

Read more...