Iniulat ng Department of Health (DOH) ang karagdagang kaso ng mga mas nakakahawang Omicron subvariants.
Nakapagtala ng karagdagang kaso ng BA.5 subvariant, samantalang pito pang kaso ng BA.2.12.1 ang naitala.
Sa kaso ng BA.5 ay natunton sa dalawang taga-Calabarzon Region, samantalang inaalam pa ang eksaktong tirahan ng pangatlong kaso, na napa-ulat na fully vaccinated, samantalang kumpirmado na ang isa pa ay hindi bakunado.
Sinabi ni Usec. Ma. Rosario Vergeire na inaalam din kung paano nahawa ang tatlo at kung saan-saan lugar sila nagtungo.
Aniya nakarekober na ang tatlong indibiduwal.
Naniniwala si Vergeire na posible na may nangyayari ng local transmission ng bagong Omicron subvariant.
Samantala ang karagdagang kaso ng BA,2.12.1 ay naitala sa Metro Manila, Ilocos, Cagayan Valley, Calabarzon at Bicol Regions.