PBBM hiniling na silipin ang isyu sa Central Bay Project ng PRA, DM Wenceslao

Photo credit: President-elect Bongbong Marcos/Facebook

Makakabuti kung mabibigyang pansin ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang isyu sa pagitan ng Philippine Reclamation Authority (PRA) at isang private real estate developer kaugnay sa Central Bay project.

Kasunod ito nang paghahain ng resolusyon ni 1-Pacman Rep. Enrico Pineda, kung saan hiniling niya ang House Committee on Good Government and Public Accountability na imbestigahan ang ‘illegal claims’ at maling pagbabago sa kontrata ng DM Wenceslao Corp. at PRA noong Setyembre 1989.

Sinabi ni Pineda na ang kontrata ay para sa ‘construction and reclamation project’ kung saan ang hiniling ng noon ay R-1 Consortium na kabayaran ay ‘unreclaimed land.’

Naantala ang proyekto ng ilang taon, ayon pa kay Pineda, at noong 2007 ay nagsimula ng mangulit ang DM Wenceslao para mailipat na sa kanila ang Transfer Certificates of Titles (TCT) ng ‘reclaimed lands.’

Sinabi ng mambabatas na base sa 1973 Constitution, limitado lamang sa pag-upa ang maaring ibigay sa mga pribadong korporasyon sa usapin ng mga lupa na pag-aari ng gobyerno.

Sa inilabas na opinyon ng Office of the Government Corporate Counsel, nakasaad na ang memorandum of agreement sa pagitan ng PRA at R-1 Consortium ay kailangan na suriin bunsod na rin sa nakasaad sa 1973 Constitution.

Nabanggit din ni Pineda na ilang ahensiya ang gobyerno ang nakadiskubre na ilan sa mga probisyon sa Implementation Agreement ng MOA ay mali at dehado ang gobyerno.

Read more...