Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, ang pagtaas ng presyo ng langis ang pangunahing dahilan kung kaya sumirit ang inflation.
Pero ayon kay Andanar, may ginagawa ng hakbang ang pamahalaan para maayudahan ang publiko.
Halimbawa na ang fuel subsidy o pagbibigay ng pinansyal na ayuda para sa mga tsuper at operator,
Mayroon din aniyang Service Contracting Program o ang Libreng Sakay kung kaya makalilibre sa pamasahe ang mga pasahero.
Sinabi pa ni Andanar na pinalawig na rin ng hanggang June 30,2022 ang libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Bukod sa mga ayuda, sinabi ni Andanar na inaprubahan na rin ng Regional Tripartite Wage Board ang pagtatas ng P33 sa minimum wage ng mga manggagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.