Sa pagsasalita ni French oncologist Dr. David Khayat sa Philippine Medical Association (PMA), sinabi nito na kailangang ikunsidera ng health professionals sa bansa ang ibang pamamaraan para mabawasan ang ‘exposure’ ng mga naninigarilyo sa masasamang epekto ng bisyo.
“In a perfect world, the dream is to eliminate smoking and therefore all smoking-related diseases. If not possible, I think, we have to take decision based on science and not on emotion or opinion,” sabi ni Khayat sa presentasyon nito sa 115th PMA Annual Convention sa topic na “Smoking, Cancer and Tobacco Harm Reduction” kamakailan.
Dagdag pa ni Khayat, sa kanyang higit tatlong dekada na pagsasaliksik ukol sa cancer, maraming naninigarilyo ang hindi tumitigil sa bisyo bagamat tinamaan na ng nakamamatay na sakit.
Diin pa ng propesor ng Onclogy sa Pierre et Marie Curie University at namumuno sa Medical Oncology at La Pitié-Salpétrière Hospital sa Paris, dapat bigyan oportunidad ang mga naninigarilyo na mabawasan ang kanilang exposure sa ‘toxicants’ at ‘carcinogens’ ng paninigarilyo.
Sabi pa nito, kung hindi rin epektibo ang pagbabawal sa paninigarilyo, makakabuti kung magbibigay ng mga alternatibo na nakakabawas ng masasamang epekto, tulad ng paggamit ng e-cigarettes, heated tobacco products at snus.
“All of these alternatives such as snus, electronic cigarettes (vapes) and heated tobacco products (HTPs) are showing very significant efficacy in helping people switch from real cigarettes that are very bad to health,” aniya.
Aniya, ito ang mga solusyon na nakakatulong para mailayo ang mga naninigarilyo sa masasamang epekto ng sigarilyo sa kanilang kalusugan base na rin sa mga naging pag-aaral sa Japan at Amerika.
Nakalabawas aniya ang vapes, HTPS at snus sa pagkakaroon ng mouth cancer, heart disease, lung cancer, stroke, emphysema at chronic bronchitis.