DOH, may nakahandang P17-M health commodities para sa mga apektado ng pag-alburoto ng Mt. Bulusan

PCOO photo

May nakaantabay ng P17.1 milyong halaga ng health commodities ang Department of Health (DOH) para sa mga residenteng maapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Sa ‘Talk to the People’, iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte na kabilang sa mga nakahandang health commodities ang COVID-19 related supplies and medicine.

Nakaimbak na aniya ang mga suplay sa Provincial Health Office ng Provincial Department of Health Office sa Sorsogon.

Namahagi na rin aniya ang Bicol Regional Office ng hygiene kits, potable water, at water container sa mga evacuation center.

Nasa 200,000 piraso aniya ng N95 at N88 masks ang ipinamahagi na sa mga residente para maprotektahan laban sa abo na naglalaman ng carbon dioxide at fluorine na ibinubuga ng bulkan.

“So patuloy po ang ugnayan sa ating Center for Health Development at local health units concerned upang makapag-abot ng agarang serbisyo sa mga apektadong komunidad,” pahayag ni Duque.

Read more...