Mga apektadong residente ng pag-alburoto ng Bulusan, hinikayat na sumunod sa mga awtoridad

PCOO photo

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga apektadong residente ng pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon na sumunod sa mga awtoridad.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga residente.

Sa ‘Talk to the People’, sinabi ng Pangulo na nakahanda na ang pamahalaan na ayudahan ang mga apektadong residente.

“I will just reiterate that you — people who are affected diyan sa Sorsogon, lalo na ‘yung mga barangay na which government has — nagfo-forecast na sila ng worst scenario, there will be a lot of movement of people. But I’m sure that government can cope up and will be there to help everybody,” pahayag ng Pangulo.

“Government is there to help. Walang ibang trabaho ‘yan. So kindly just follow instructions because ang trabaho ng mga taga-gobyerno diyan ay para sa inyo. I suppose that ‘yung DSWD sabi ko ‘yung mga relevant, nandiyan na ngayon by this time,” dagdag ng Pangulo.

Sa ulat ni Office of Civil Defense administrator Undersecretary Ricardo Jalad kay Pangulong Duterte, nasa 446 evacuation centers ang nakahanda sa Sorsogon.

Ipatutupad aniya ang mandatory o forced evacuation kung itataas sa Alert Level 3 o 4 ang Bulkang Bulusan.

Sa ngayon, nasa Alert Level 1 pa lamang ang bulkan.

Read more...