WATCH: Global issues, napag-usapan nina PBBM at German ambassador

Kuha ni Jan Escosio/Radyo Inquirer On-Line

Tatlong ambassadors ang nakipagkita kay President-elect Ferdinand Marcos Jr., sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City, araw ng Martes (Hunyo 7).

Unang nag-courtesy call si Spain Ambassador to the Philippines Jorge Morgas, sumunod si Ambassador Mohammed Rida El Fassi ng Morocco at si German Ambassador Anke Reiffenstuel.

Natalakay sa magkakahiwalay na pakikipagpulong kay Pangulong Marcos ang pagpapalakas pa ng relasyon ng kani-kanilang bansa sa Pilipinas.

Sa pagharap sa mga mamamahayag, ibinahagi ni Reiffenstuel na ilan sa mga napag-usapan nila ni Pangulong Marcos ay ang food security, climate change at renewable energy.

“We exchanged (views) about the ongoing bilateral cooperation and the cooperation in the international frame in the multi-lateral formats, and discussed potentials for furthering cooperation not only on mutual interests but also to address global challenge like climate change,” ani Reiffenstuel.

Naibahagi aniya niya kay Pangulong Marcos ang mga naipaabot na tulong ng Germany sa Pilipinas kabilang na ang €25 million para sa climate change-related projects ng bansa.

Ukol naman sa seguridad sa pagkain, napag-usapan din nina Pangulong Marcos at Reiffenstuel ang epekto ng giyerang Russia – Ukraine sa global food security.

Narito ang bahagi ng pahayag ni Reiffenstuel:

Kasama rin sa napag-usapan ng dalawa ang pagpapanatili ng ‘rule of law’ at ang pagrespeto sa karapatang-pantao.

Read more...