Duterte, Robredo nanguna sa unang araw ng official canvassing

 

Kuha ni Isa Umali

Sa pagsasara ng unang araw ng pagbibilang ng Kongreso ng mga certificates of canvass (COC) para sa pangulo at pangalawang pangulo, lumutang pa rin na nangunguna sina presumptive president Rodrigo Duterte at Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

Sa 45 na certificate of canvass o 10,208,514 na botong nabilang Miyerkules ng gabi, si Duterte ay nakakuha ng 4,051,036 na boto, na sinundan nina Sen. Grace Poe na may 2,439,181, Mar Roxas na may 2,209,848, Vice President Jejomar Binay sa 1,491,267, at Sen. Miriam Defensor-Santiago na nakakuha ng 458,768.

Si Robredo ay nakakuha ng 3,576,643 na boto, na mas mataas ng 295,492 na boto kumpara sa mahigpit niyang kalaban na si Sen. Bongbong Marcos na nakakuha ng 3,281,151.

Kasunod ni Marcos si Sen. Francis Escudero na may 1,491,267, Sen. Alan Peter Cayetano na may 1,457,495, Sen. Antonio Trillanes IV sa botong 205,952 at Sen. Gringo Honasan na may 196,006. Huwebes ipagpapatuloy ng Kongreso ang canvassing ng mga boto, alas-2:00 ng hapon.

Read more...