‘Lambat Sibat at One-Time Big-Time, successful ayon sa DILG

 

Inquirer file photo

Pinuri ni Outgoing Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen S. Sarmiento ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa kanilang matagumpay na operasyon laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Sarmiento na-achieve ng PNP ang kanilang target sa inilunsad na kampanya laban sa illegal drugs sa pangunguna na ng PNP-Anti-Illegal Drugs Group (AIDG).

Naging instrumental umano dito ang Oplan Lambat Sibat at One-Time Big-Time anti-crime campaign na naging susi sa pagkakaaresto sa malalaking drug operators at pagkumpiska sa milyong pisong halaga ng droga.

Ani Sarmiento, simula January 2016 hanggang May 23, ang PNP-AIDG ay nakapag aresto na ng 17,858 drug personalities at nakapagkumpiska ng nasa 558,603.35 grams ng shabu na nagkakalaga ng Php 2,793,016,745.92.

Ang pinakahuling operasyon ng PNP-AIDG ay sa Imus, Cavite kung saan nasa 29 kilos shabu ang nasabat na nagkakahalaga ng P145 million.

Read more...