BIR Chief, ipinagtanggol ni PNoy sa batikos ni Duterte

 

Inquirer file photo

Idinepensa ni Pangulong Benigno Aquino si BIR Commissioner Kim Henares sa banat ni presumptive President-elect Rodrigo Duterte.

Sa harap ito ng pahayag ni Duterte na ang BIR ang pinaka-corrupt na ahensya ng gobyerno.

Ayon kay Pangulong Aquino, dahil sa dedikasyon sa trabaho ni Henares naipatupad ang mga reporma at naging mas episyente ang koleksyon ng buwis.

Katunayan sinabi ni Pangulong Aquino na noong 2012, nalampasan ang P1-trillion mark sa tax collection sa kauna-unahang pagkakataon.

Dahil aniya dito mas maraming pondo ang nagamit nila at magagamit pa ng susunod na administrasyon.

Nangangahulugan din ito na mas malaking pondo para sa mga programa at proyektong pakikinabangan ng taumbayan.

Read more...