Pilipinas, nakapagtala ng 1,295 na bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo

Nakapagtala ng 1,295 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Hunyo 6, 2022, base ito sa naitalang datos simula Mayo 30 hanggang Hunyo 5, 2022.

Mas mababa ito ng 1.4 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Mayo 23 hanggang Mayo 29.

Nasa 185 naman ang daily average cases.

Samantala, may 16 na bagong severe and critical cases habang isa naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 18.1 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,031 sa 22,245 non-ICU beds ang gamit.

14.7 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 386 sa 2,632 ICU beds ang gamit.

Nasa 599 naman ang severe and critical admissions, o 11.1 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

Read more...