METRO MANILA, Philippines — Naniniwala si Sen. Franklin Drilon na mangangailangan ng mahusay na abogado si Health Secretary Francisco Duque III kaugnay sa naging partisipasyon nito sa Pharmally scandal.
Reaksyon ito ni Drilon kaugnay naman sa sinabi ni Duque na wala siyang pinagsisihan sa pagbibigay niya ng kanilang pondo sa Department of Budget and Management (DBM) para bumili ng COVID-19 essentials.
Paliwanag ni Drilon, malinaw naman sa Revised Penal Code na maituturing na ‘principal by indispensable cooperation’ si Duque kaugnay sa naging papel nito sa sinasabing anomalya.
“PS-DBM could not have committed the plunder without the P42B DOH funds being illegally transferred, without any documentation, to PS-DBM,” sabi pa ni Drilon.
Naninawala rin ito na bahagi ng sabwatan si Duque para madehado ang gobyerno sa pagbili ng mga kinakailangan COVID-19 essentials.