Bulkang Bulusan, mananatili pa sa Alert Level 1 – Phivolcs

Photo credit: Sorsogon PIO

Ipinaliwanag ng Phivolcs kung bakit nanatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan.

Sa kabila ito ng pagkakaroon ng phreatic eruption noong Linggo ng umaga (Hunyo 5).

Sa Laging Handa public briefing, ipinaliwanag ni Phivolcs officer-in-charge Undersecretary Renato Solidum na ang pagputok ng naturang bulkan ay puro lamang abo.

Wala aniyang na-detect na magma at pamamaga ng bulkan.

Kumpara sa nangyaring pag-aalburoto ng Bulkang Taal noong 2020, mayroon aniyang kasamang magma ang pagputok nito kung kaya’t naging mabilis ang pagtaas ng alerto nito.

Ani Solidum, nakapagtala ng 77 na maliliit na lindol bago ang phreatic eruption sa Bulkang Bulusan.

Huling pumutok ang naturang bulkan noong 2017.

Read more...